  bastos mo talaga karin!!! o ayan inunahan ko na kayo! itatago ko na lang sa pangalang jeck, paul, kenneth at jeff ang mga tinuran kong itlog. [straight tagalog to pramis]. : Sino ang pinaka-bugok sa kanila? – silang lahat! Lalo na pag magkakasama sila!!! [para mas masaya I-hahalintulad ko ang grado ng kanilang pagka-gagu :D pagkakasunod-sunod ng pangalan] JECK: si jeck ang pinaka-una kong nakilalang gago sa kanila. Sa totoo lang, mapang-asar lang naman talaga siya noon pa tungkol sa balingkinitan kong katawan. Mahilig din yan mang-bara. Naalala ko nung isang gabi pagkatapos maghapunan sa thesis house nila, halos paiyakin nila ko sa debate tungkol sa sari-saring bagay. :D Pero si jeck ang pinakamaalalahanin sa knila. Parati siya nagse-send ng kataga at kasabihan sa SMS tungkol sa pagkakaibigan – minsan bakya!
He he he JEFF: si jeff ang pinaka-mature sa kanilang lahat, sa madaling salita- pinakamatanda! Oooppsss :D si jeff ang “first kiss ko” ha ha ha ha [jok onli!!! ] hinde no!!!! ibig sabihin ko, sa kanilang apat siya lang nakikipag-beso-beso sa kin! Malisyoso kc ung tatlo e! [kawawa na ko pagtapos nito]… okey lang masaya naman di ba? Pero si jeff talaga pinaka-malambing sa kanila, naalala ko kelan lang nung…. wala pala ko naalala mapanloko din to! Di ko malilimutan nung isang beses sa tambayan ng TFA, kararating palang niya galing sa trabaho yata bigla ba naman ako tinawag, “Karin, mag-BJ tayo sa baba!” andami nakadinig pati mga AF…. “buko juice” pala! KEN: Ken, di ko talaga sinasadya nung dinner pagkatapos ng delibs ni Dang na sabihan ka “Ken, ung boyfriend ni Barbie”… o tama na!
Tahimik lang yan, pero matinik! Parang mga-tilapia niya sa bulacan!!! Simple lang humirit, di halata pero tagos sa buto, mabibilaukan ka talaga kagaya nung papunta kami sa GB3, muntik na matusok lalamunan ko nung straw :D Instant friend ko yan, parang lucky me! Lasingera kasi ako dati, e siya ung pinakamanginginom sa kanilang apat. May drinking ritual yan every night :D he he he PAUL: si pol!!!!
Officemate ko yan!!! Wala ko masabi natatakot ako sa’yo eh!!! Ha ha ha… alam naman ng lahat kung gaano ninyo ko inaasar ni jeck nun sa UP… pero hanggang opisina, mas lumala ka pa. Kasalanan ko daw kung bakit magulo sa opisina pag andun ako, e siya naman tong nagpapasimula :D tsaka kahit naman wala ako, ako pa rin topic pang-aasar mo! walang pinipiling lugar yan, kahit na maghabulan kami sa mall makapang-asar lang! Pero sa totoo lang, seryoso yan si pol, lalo na sa trabaho! Mas madalas niya pa ko mapagalitan kesa sa boss naming… he he he pero natutuwa naman ako sa pagsita niya sa mga mali ko.
Oks lang yon boss!!! O ayan! Matatapos na pahinga ko!!! Kelangan ko na rin to tapusin…. Konklusyon: silang apat ay pawang mga BUGOK, pero may masarap naman na bugok na itlog e, sa Bay, Laguna espesyalti nila ung bibingkang bugok na itlog :D mabantot nga lang he he he 
