  KARERA para sa Tropang Etneb,  na hinahanap- hanap ko;  muli't muli sa Daytona Pagbaba ng banderang hudyat ng simula ng karera sabay- sabay nating pinaharurot ang mga sasakyan ng ating mga panaginip taglay ang taimtim na pag- usal ng isang dalanging nawa’ y makamit ang pagkapanalo bilisan ang pagmamaneho upang marating ang dulo Sa pagmamadali at pagpupumilit na mauna hindi natin alintana kung nakababangga walang sinisino walang sinasanto Sa pagnanais na tuluyang humagibis nakalimutan nating tapakan ang preno nawaglit sa isipan na ang daan ay hindi lamang diretso may mga sandaling kailangan nating lumiko lumingon sa likod kung sino sa atin ang nahuhuli ang naiiwan baka sakaling may nasiraan baka kailangang magdahan- dahan baka kailangang maghintayan 
