  Dear Burn, Hayup ka, nag-iba kana pala ng number hindi mo man lang nasabi sakin!!!! I tried to trace it.
Nung tinawagan ko si Mike, ayun nagalit pa kasi nakikipag-dyug siya nung tinanong ko ang isang napakawalang importanteng question sa ganung panahon. Talaga oh, sus. Bakit naman ganyan, akala ko ba ako ang bestpwen mo doon? Kakainis naaalala pa naman kita lately, sa mga bagay na pinagsamahan natin at hindi. Naaalala mo pa ba nung ako ang nag-introduce sayo sa kagandahan ng fair? Pucha, isang San Mig Light lang taob kana, ako pa kelangan mag-alaga sayo lagi kahit nakakatatlong bote palang ako.
Naaalala mo pa ba nung hinabol natin si Dindin sa backstage tapos humingi ka ng autograph sa 100 mo, tapos hindi na niya binalik??? Wahahaha, miss ko na yun grabe tawa ako ng tawa. Eh nung tang-na jamming na tapos nakikihalo tayo sa mga lalake kahit nagpapatayan na sila sa kakahead-bang? Tapos si Marx yung sumasangga sa kanila (as if naman kaya sanggain ng payat niyang katawan) yung mga lalakeng bumabangga satin?
Astig un grabe. Tapos nung lasing na tayo pareho at puputok na malapit ang ating mga water bags hehehe, umakyat tayo sa Vinzon's at naki-weewee sa CR ng mga lalake kahit may mga lalake dun. Tapos pag mga 2 na, retreat na tayo sa tambayan para matulog kasi sarado na ang dorm mo; dun lang tayo nila Ferdz hanggang kainin ng maraming lamok. Those were really the days. Eh, yung first Chritmas Gift ko sayo, yung bottle opener na mga liquid design sa loob na regattas?
Anu ba yun? " Our friendship is like a freshly opened bottle . " Naks. Eh yung regatta design? Wala lang, just wanna share with you my love for beaches. Dami narin natin pinagdaanan, pero kahit kelan, dipa tayo nag-away. Pano ba naman eh puro kababawan ang alam natin pareho. Pero naaalala ko nung anjan ka nung sobrang malungkot na ako nung umalis si Rhett papuntang Canada and I never got the chance to tell him na mahal ko siya kasi natatakot ako dahil matanda na siya at 3 years siya dun baka mapunta lang sa wala?
2nd sem, 3rd year . Hayyyy. Sabi mo okay lang yun, kung kami talaga, wala na makakapigil pa nun. Tapos nung nain-love ka dun kay Randy pero may dyowa. Tang-na ramdam na ramdam ko ang sakit mo nun habang umiiyak ka: feeling ko, ako ikaw. Ayokong nakikita kang malungkot kasi hindi ganun yung friendship natin, lagi lang tayo tawa ng tawa.
Tayo ang buhay ng tambayan diba, lalo na isama mo si Eli, Habs, Jefer at ang honoraria member na si Pat? Shet, gulo 'to at galit na naman ang katabing tambayan!!!! Hehehehehe. Miss ko na talaga yun, yung mga kabastusan natin. Sana nga minsan, college ulit. Tsaka nung umiral ang pagiging inggitera mo nung gumagawa kami ni Mike ng radio commercial ko, yung Nokia-Sapatos na tawa kami nang tawa kaya napagdesisyunan mong mag-BC kasi yun talaga ang course na bagay sayo?
Eh ba't nung bumalik ako sa UP, Phil. Studies kana? Hmmpppp. Isang taon lang tayo nag-hiwalay eh, nag-iba kana. Pero iba yung feeling nung nakita ulit kita last June sa OUR, naiyak ako sa pagkakamiss sa iyo. Kaya nga nag-absent ako sa office para makasama ka ng buong araw sa enrollment. Pero dumating yung bf mo. Diba usapan kung tayong dalawa lang, wala na iba pwede sumingit? Hindi ko nga dinadala bf ko sa fair kasi ikaw gusto ko kasama.
Hindi ako nagseselos, nagpapaliwanag lang kung bakit irita ako nung araw na yun. Pero thank you narin nung binili mo ako ng choknut na Choklet ang pangalan, hehehehe. Tawa nang tawa yung bf ko nun. Ayan at hindi na naman tayo nagkikita. Every Sat ay nasa UP ako, ang haba pa ng break ko, pero parang pareho tayo walang common schedule. Minsan nga pag-gumigimik ako, tumitingin ako sa paligid baka sakaling anjan ka lang. Pero wala eh.
Sa Bargo, sa Kels, sa Biology, sa Bayside, sa Trellis, sa Fussion, sa Sarah's, sa Treehouse, sa Gerry's, sa karinderia kung san minsan nagvivideoke ako, sa Starbucks, sa Seattle's, sa Goldilocks, sa Dunkin' Donut, sa McDo Philcoa, sa Mang Jimmy's, sa Rodics, sa Molave, sa Yakal, minsan sa Narra, sa Vinzon's, sa Powerbooks, sa National Bookstore, sa Adonis,kahit nung nagpunta ako Davao, hinahanap parin kita. Ganun kita ka-miss. Pag nagpunta ako Camiguin, malamang hanapin na naman kita. Hayyyyyy. Bakit ba kita naiisip ng ganito?
Ang dami ko kasi pinagdadaanan ngayon, mga personal issues. I'm taking them all seriously. Actually, sinisira ko nga buhay ko ngayon eh. Sana anjan ka para mag-usap tayo, wala lang para gumaan na naman yung feeling ko, yung tipong sa sobrang light ng isip ko, nakakapag-isip ako lalo ng maayos. Ganun ako pagkasama kita eh, masaya at magaan. Sana nga mahanap ko na yung number mo para magkita naman tayo.
Miss na talaga kita eh. Miss na miss. Nga pala, tuloy paba ang pagsasama natin kung wala pa tayo significant other pagdating ng 30? Sana.... 
