  Ang lungkot...katatapos ko lang panoorin nung last episode ng New Non-Stop. Bakit ba naman kse kelangan pang i-stop ung pag-e-air ng show? E, sa tingin ko e marami namang tao ang may gusto dun sa show. Sayang talaga...nanghihinayang pa tuloy ako ngayon kase yung 2 episodes bago nitong last hindi ko napanood. I had the oppurtunity to talk with Camyl kaninang mga 9pm. Naging classmate ko siya nung first year high school. Pero naging close kami. Nakakatuwa nga at may time pa rin kami kahit papaano na mag-usap, kahit hindi na kami nagkikita, at hindi na kami schoolmates. Masarap talaga ang pakiramdam kapag nakaka-usap ang old friends. Parang di pa rin nawawala yung dati nyong samahan. Napapa-isip tuloy ako tungkol sa oras. Ang bilis talaga ng panahon, 'no? Parang split-second lang, ayun, nasa future ka na agad. Tsaka mo lang maiisip yung nagdaang panahon... 
