  Haay..nakakaewan ang unang dalawang araw ng school week na ito. Nung Lunes, gumising ako nang maaga para hanapin ang borrower's card ko para maibalik ko na ang tatlong libro na hiniram ko sa Library ng College of Engineering. Due date kasi nun ay June 21. Hindi ako successful sa paghahanap ko ng kolor blue na card na ito. Kaya't ang ginawa ko ay nagpunta na ako sa school na umaasang makakagawa ako ng paraan para makakuha ng bagong borrower's card. Pagdating ko sa Melchor Hall, dali-dali akong nagmadali papunta sa MH 239 dahil 9:45 na at ang klase ko ay 9:30.
"Late na naman...," naisip ko. Nung malapit na ako sa computer room, ayun at nasa harapan ko na pala si Ma'am Florence, ang aming instructor sa CS21. Pagpasok ko sa loob ng MH239, binati ako ni Liz, isang blockmate at kaibigan. May nakita akong isang malaking pasa sa kanyang kaliwang braso. Adrian: "Uy, hi Liz! Hehehe..." Liz: "Hello rap! Ei, may ikekwento ako sayo mamaya.." Adrian: "O sige...siguro tungkol kay ano 'no?! " Liz: "Hindi yun! Basta ikekwento ko sayo.." Adrian: "O sige na nga..basta mamaya ha.." Tapos ayun, naglecture na ng tungkol sa Processors, ang CPU, ang mga parts nito na Arithmetic Logic Unit, Control Unit at Registers. At sa pagsapit ng 11:12 A.M., nagpasyang idismiss na kami ng aming napakabait at napakagandang intstructor. Paglabas ng MH239, naglakad lakad lang muna ako sa west wing corridors ng ikalawang palapag ng College of Engineering. Mayamaya lamang ay may narinig akong tumatawag sa aking pangalan, "Rap!". At ayun na nga si Liz... Adrian: "Ano bang nangyari sayo?! " Liz: "Nabagsakan ako ng gate.." Adrian: "Ah...ha?!?! " Liz: "Oo, nabagsakan nga ako ng gate!
Ganito kasi yun..." At dahil sa pag-uusap naming ito, tuluyan ko nang naunawaan kung bakit mayroon siyang malaking pasa sa kaniyang kaliwang braso. Susunod na klase: Math 54. Elementary Analysis II. Itinuro sa amin ni Prof. Ortege - Talaue ang Length of Arc of the Graph of a Function . Ayun..ipina-recall sa amin ang Mean Value Theorem na una naming narinig sa aming mga Math 53 na klase. Natapos ang klase ng 12:45 at dali-dali akong nagpunta sa AS... dahil gusto ko lang makita ang mga kaibigan ko na tumatambay dun. Lumipas ang isa't kalahating oras. Nagpunta na ako sa aking Physics 71 class. Doon naman, nagturo ng tungkol sa Circular Motion si binibining Mag-usara.
Siyempre, hindi na naman ako nakinig dahil alam kong lahat nang pinagsasabi niya sa harap ay mababasa ko rin sa University Physics, Ninth Edition. Kinopya ko na lamang ang mga binigay niyang sample problem at sinagutan ang mga ito. Sa kalagitnaan ng klase, nagkuwentuhan kami ni Liz. Nabanggit niya muli ang crush niya na kaklase namin sa pisiks. Nang dumaan ang attendance sheet, biglang nagka-ideya si Liz na kunin ang student number ng crush niya.
Ang reaksyon ka naman sa ideya niya ay: "Ikaw talaga Liz! !," sabay palo sa kanyang kaliwang braso. Nawala sa isip ko na nabagsakan pala siya ng gate nila..at ayun..napa-aray siya at natawa. Natawa na lang kaming pareho sa nangyari kahit alam ko na nasaktan siya. Mas natawa pa nga ata ako kaysa nakaramdam ng awa. Ang wirdo ko talaga. Natapos na din ang klase at diretso uwi na ako. What a maddening monday.. 
