  Iinsiip ko nanaman ang mga bagay na iyon. Mahirap pawiin ang mga masasayang nangyari na nangingibabaw sa aking alaala at isipan.
Mahirap kalimutan ang taong tumulong sayong bumangon. Ang taong pinagkukunan mo ng dahilan at lakas. ang taong alam mong lagi mong masasandalan. Ang isa sa mga lubos na nakakaintindi sa iyo at naniniwala sa kakayahan mo. Hindi ko na kaya. May luha nanaman sa aking mga mata na dulot ng pinaghalong lungkot at saya. Bakit kung kailan maayos ang lahat noon pa mawawala ng biglaan. Ang pagkawala, pag-alis, at paglisan.
Wala akong magawa at naiinis ako. Bakit kasi ngayon pa nangyari ito? Sana ay kahapon pa o di kaya'y bukas na lang, wag lang nagyon. Kung mapipili ko lang ang mga pangyayari sa bawat araw. Wala akong magawa sa dahil ito'y biglaan. Mahirap pero tulad ng sinabi ko at sinabi mo, ay kailangan. Nakakainis bakit kailangang malungkot pagkatapos ng saya? Bakit kailangang mawala ang ilang mga bagay. Hindi ko alam at hindi maiintidihan. Sana hindi na lang, hindi na lang nawala. 
