  Nung pauwi kami ng mom ko at bro ko mula sa bookstore, napagusapan namin pinsan ko. Ikakasal na sya bukas?! Pero yung sa harap ng judge. Magkaiba kasi sila ng religion. Isa catholic yung isa Inglesia... Nagmamadali kasi sila. Ayaw maghintay. So...parang pinagsasabihan ako ng mom ko yung tungkol sa usual talk about Love & Marriage. Bigla ba namang sinabi sakin na huwag ako magsesex before marriage! napa irap ako! lol Hindi ako ganun ka...ka...ano...para gawin yun noh! Tapos yung bro ko naman nagtatanong "Bakit masama pag magsex bago ikasal?". Nakuuu! Sarap batukan talaga ang kapatid ko! Hay naku pow talaga... 
