  “I am confused” Yan ang mga salitang sinabi niya sa classmate ko nung nag-usap sila tungkol sa akin. Confused? Bakit? Kasi may nililigawan na siyang iba at heto na naman ako at ginugulo ulit ang buhay niya? O dahil hindi niya alam kung paano mag-rereact sa mga sudden appearances ko ulit sa tahimik na niyang buhay? Well, wala siya magagawa kasi… mahal ko siya, sorry na lang siya.
Nagsimula ang lahat nung first year kami high school kami. Sabi niya sa classmate ko crush niya ako, pero takot ako sa kanya kasi, WE ARE WORLDS APART. Ang mundo ko ay tungkol sa competition for honors, matalino ako at nagsisimula ng sumikat. Siya, isa syang ordinaryong student, pero may isang bagay na kakaiba sa kanya, BARUMBADO siya at pala-away. Kaya naman takot na takot akong maloko niya. Kahit cute siya, iniwasan ko siya.
At siguro, nanawa na rin siya, pinabayaan niya na din ako. Nung second year kami, ngumiti siya sa akin at dun nagsimulang magunaw ang mundo ko. Grabe, ang cute niya pala pagngumimgiti! Bakit ko ba siya pinakawalan? Kasi sabi ko hindi kami bagay… dahil sira-ulo siya. Pero napatunayan niya na hindi siya irresponsible dahil naging president siya ng class nila.
Pero kasabay nang pagbabago niya ay ang pagtaas lalo ng tingin ng mundo sa akin dahil naging first honor ako for just one grading. Kahit magkaiba kami mas nagkalayo ang aming mundo, gusto ko pa din siya, gustung-gusto. At malaon, minahal ko na siya, kaso… wala na ang dating paghanga niya sa akin… for short wala na siyang gusto sa akin. Hay buhay! Third year- nawalan na siya ng pakialam sa akin. Kahit ilang beses ako magpapansin sa kanya walang epekto dahil may iba na siya.
Kahit ganun, wala sa vocabulary ko ang sumuko! Hindi ko siya isusuko kahit napakadami niyang naging girlfriend. Ilang beses din akong nagmukhang tanga sa kakasunod sa kanya at kaaasa na magiging kami. Ilang lalaki din ang binasted ko dahil sa kanya. Pero anong ginawa niya, wala… kasi ako din naman ang nang-iwan. Lalo lang ako na-inlove sa kanya nung naging varsity siya.
Tumaas ang tingin ng tao sa kanya pero hindi pa rin karapat-dapat para sa akin na consistent honor student at hinirang na isa sa mga best writers ng school namin. Sandaang dipa na naman ang pagkakalayo namin. Naalala ko pag sinasabi ko sa iba na crush ko siya. Hindi sila magsasalita at sasabihin na lang na “Bakit yun? Hindi kayo bagay noh! Maghanap ka na lang ng iba!” Pati mga kabarkada ko hindi maintindihan kung bakit siya.
Masakit pero pinaglaban ko siya kahit hindi niya alam na pinaglalaban ko siya. Susuko na sana ako pero tinatagan ko lang ang loob ko dahil mahal na mahal ko siya. Tapos ngayong fourth year nabuhayan ako ng loob. Katabi ko yung classmate ko na naglapit sa amin nung first year. Unti-unti, nalaman ko na may pakealam pa rin pala siya sa akin, kahit konti. Kinukumusta niya ako kung okay lang ba daw ako.
Araw-araw akong pinapasok ng classmate ko sa mag pag-uusap nila. At syempre kinikilig naman ako pag may magagandang sinisabi siya tungkol sa akin. Lagi ko na nga sinasabi sa sarili ko na “Heto na, magiging boyfriend ko na siya” Pero sabi nga nila, though you want some things badly, you might end up not having them. Confused siya dahil nung mga panahong pumapasok ulit ako sa buhay niya ay may nililigawan na siyang iba. Ano bang magagawa ko eh sa mahal ko siya? Pero natapos din yung confusion na yun.
Hindi niya ako pinili… mas pinili niya yung babaeng kabaliktaran ko. Hindi gaano katalinuhan pero pinakita niya talagang mahal niya ang lalaking mahal ko din. At isa lang ang dahilang pumasok sa utak ko nang hindi niya ako pinili. Ang dahilan kung bakit hindi ko siya pinansin dati. Dahil magkalayo ang mundo naming ginagalawan. Wala pinagbago ang mga pangyayari.
At heto na naman ako, nag-iisa. Walang kahit na sinong kadamay, kasi sa loob ng apat na taon, siya lang talaga ang taong pinaglaanan ko ng oras. Masakit talaga… bakit ganun? Bakit ba kailangang paghiwalayin kami ng mundo? Bakit ba kailangang maging tanga sa pag-ibig ang mga tulad naming matatalino? Tinatanong ako ng mga tao “Bakit mo ba siya mahal na mahal?
Wala naman siyang ginawa sa ‘yo na kainlove-inlove!”. Ewan ko nga, talaga nga sigurong tanga lang ako. Pero kahit ganun nasasaktan ako dahil ang bagay na naglayo sa amin ay ang bagay na pinaka-ingat-ingatan ko. Kahit na, di ba pwede naman niya ako ipaglaban? Di ba pwede naman paglapitin ang dalawang mundo? Bakit hindi niya nagawa?
Kaya naman niya akong mahalin kahit iba ako para sa mundo di ba? O dahil ba hindi ko pinakita sa kanya noon pa na gusto ko din siya dahil sa pride ko? Kung pinakita ko ba sa kanya na mahal ko siya, may pagbabagong nangyari or pagtitripan nya lang ako magtatake advantage siya dahil alam ng mundo na minsan lang ako magkacrush? At higit sa lahat… Bakit kahit ilang beses niya ako saktan ay mahal ko pa din siya? Bakit ba kailangang ganito ang turing sa akin ng mundo? Ilang tanong na kahit kailan ay hindi ko maihahanap ng kasagutan at napakasakit nito… sana lang malaman ko na ang sagot.
Heto ako, walang patutunguhan dahil siya lang ang laman ng isip ko. 
