  Nagtataka lang ako. Ang dami-dami kong kilalang tao na hanggang ngayon, may hang-up pa rin sa mga high school flame nila. Hindi ko sinasabing in-lab pa rin sila ha, pero sinasabi ko lang, meron pa silang hang-up. Para bang, kahit anim na taon (at maraming tao) na yung nakalipas, hindi pa rin nila makalimutan. O ayaw nilang kalimutan? Meron diyang pa-text-text pa rin, at meron namang takot na takot mag-text. Merong dinadaan na lang sa Friendster, sa email, o 'di kaya sa Yahoo! Groups na la lang. Merong iba naman, wala na ngang communication, 'di naman matigil sa kadadaldal tungkol sa kanya . Yung iba nga, ang kapal ng mukha at sa volleyball tournament pa dinadaan. Iniisip ko tuloy, bakit, pagkalipas ng anim na taon, importante pa rin sila. Naalala ko tuloy, kasama ko si urlLink Jem Bunao , nakaupo kami sa may front lobby, at pinag-uusapan namin yung isang crush ko noong panahon na yun. Binigyan niya ako ng pep talk, at sinabi sa akin na 'pag dumaan na yung crush ko, kausapin ko raw. At maya-maya nga lang, eto na nga yung crush ko, galing 'atang Bio o Chem lab, dala-dala yung lab gown niya.
At sa dahan-dahan niyang paglapit, inilabas ko na ang lahat ng tapang na tinatago sa dibdib ko at nagbigay ng isang makabagbag-damdaming... "Hi! " Nagbigay naman siya ng maliit na ngiti at mas maliit na kaway, at habang pinapanood namin siyang maglakad ng palayo, hiniritan na lang ako ni Jem ng, "O, ginawa mo nga yung sinabi ko, haba ng usapan niyo ah, parang nag-bonding nga kayo ah. " Kaya nga naisip ko, kaya meron pa ring hang-up yung ibang tao ngayon, dahil na rin siguro sa panghihinayang.
Bakit nga ba , naisip nila, nakilala ko siya noong 15 pa lang ako (at tatanga-tanga pa) at hindi ngayong 23 na (tatanga-tanga pa rin, pero hindi na masyadong halata) ? Yun nga ba ang dahilan? Eh ako ba, meron pang hang-up? Pucha, wala na noh. At kung meron man, hinding-hindi ko aaminin. Mamaya binabasa pala ng boyfriend niya 'tong blog na 'to eh. 
