  Pagbigyan niyo na 'to. Last song na nag-stick sa utak ko before I fell asleep. Partially dedicated to my friend A, who's a writer for a soap with the same title: Di ba... ako'y tao lang na nadadarang at natutukso rin.... Maiaalis mo ba sa 'kin na matutunan kang mahalin sa bawat sandaling... hiram natin? tuloy, mejo soap din tuloy yung story line ng panaginip ko kagabi. about that married guy i mentioned in a previous entry.
let us call his character "local papa," kasi he's within my local intranet, hehe. ang drama sa panaginip ko: nagka-amnesia daw ako (hu-waaat!!! ) at sakto naman na deadringer pala ako ng wife ni local papa who just died in an accident na hindi pa nababalitaan ng asawa niya. since may amnesia nga ako, yun daw yung identity na binigay sa kin nung common na kakilala namin (who was my relative in the dream--let us call him "gabby") and, in short, ginawa akong subsitute (o-ha).
at feel ko naman daw ang role (shempre! sabi nga ng officemate ko, na-translate sa dream ang desire! ) until mambabae ang local papa during our house party. ang chuva kasi, may konting "ilang" between us since i was feeling weird because i had amnesia nga and i didn't really remember him, though i was content in the role-playing. nung nagkaasaran nga lang because of this other woman, inamin na daw sa kin ni uncle gabby ang totoo.
sa galit ko about the whole thing, sinugod ko daw si local papa during the party at pinangsampal ko daw sa kanya yung nanguya ko nang chewing gum (a bit of slapstick here, haha). at ang pamatay na linya ko: Ako si _________. Hindi mo ko asawa!!! (delivered with very strong feelings) and the dream ended there. bongga! 
