  &nbsp; Naku naman.... grabe tong ulan na 'to. Kung kelan di ako nagdala ng payong eh, tsaka umulan! Ayun, edi nabasa ako...I mean, kami. Hehe. Alam nyo na yun. Epal kasi yung ulan, wrong timing! hehe. Ayun, naiwan sya dun sa school. Pinauna na nya ako. Well, eto na naman nga pala ako para dumaldal.
(dapat kanina ko pa to sinabi noh? ) Well, isa lang ang alam kong sure na nangyari....umulan. At umuulan parin. Waaaaaaahhhhhhh!!!! O sige, serious na...ehem... Wala naman talagang nagyari ngayong mahalaga. Nag-debate kami sa Filipino, at naging napakaingay nun. Syempre pati ako maingay noh. Bukas naman, debate ulit. Naku, kalaban ko ba naman si Peejay??? Ano laban ko dun?? Baka mag-collapse lang ako!!! Hehehe. Tapos may ginawa kami sa Physics na sobrang nakakatwist ng utak, but somehow na-gets ko naman. Sa T.H.E.
naman, aba, mantakin nyo, may surprise recitation! Kaya lang di pa'ko tinatawag, bukas pa. Kaya mamaya, aaral ako. Tapos sa math naman, nag-check kami, ayun 16/20 lang aku...huhuhu... Nde, ok lang yun! At sa last subject namin.... wala kaming teacher! Inantay lang namin mag-4:50!!! Tapos ayun, lumusong na kami sa ulan. Sino pa ba kasama ko?? Edi ang ninja ko...kayo talaga. O sya sige, kakain muna 'ko. Byeeee!!!!!!!
! 
