  I posted this to my second blog at urlLink http://maidenbelle.tripod.com/krishna001 &nbsp;although none can see my posts so I will repost it here.
Happy Reading! ^_^ &nbsp; Oh, and by the way, I would like to greet my beloved father a happy happy 61st birthday. Best Wishes Dad! I love you! Hope you read my stuffs! Hehehe &nbsp; -------------------------------------- &nbsp; Mahirap ang talaga makalimutan ang isang taong minahal mo ng todo-todo... Kahit anung gawin mo... Sa pang-araw-araw na buhay... Naaalala mo siya kahit anung gawin mo... Oo, tanggapin mo na lang na meron nang muling nagmamahal sau... Pero kaya mo bang mahalin din siya ng mas higit pa sa pagmamahal mo sa nauna mong minahal?
Hindi natin masisigurado. &nbsp; Ngayon, tila napakabilis ng mga pangyayari kahit na sa loob lamang ng ilang araw ay may mga nagaganap na hindi mo inaasahan... Mga pangyayaring lalong magpapasakit sau.
Magpapababa sau... &nbsp; Pero wala na e... Kasi hindi ka na mahal nung minamahal mo dati ng todo-todo... Meron na rin siyang iba gaya ko... Nalaman ko na rin na sinabi niya sa babaing pinakamamahal niya na hindi na niya ako mahal... Masakit hindi ba? &nbsp; Hindi mo naman siya masisisi... dahil pati ikaw ay nagiging tuliro na sa puso kahit na anung sabihin mo na siya rin naman... Aminin na lang natin...na mahal na mahal pa rin natin ang isa't isa... Kahit sa huling sandali ng ating pagkikita... &nbsp; Nagagalak ako at nagkakilala tayo... Hindi ako naggagalit, pero instead, nagsisisi...
Regret. Alam ko may kanya-kanya taung dahilan kung kaya ay nagkasama tayo... Pero sana huwag mo akong ibasura at hindi na lamang iisipin... &nbsp; Muli, hindi ako galit. Natutuwa ako para sa inyo ng bago mong iniibig. Ang sakin lang, nasasaktan ako sa tuwing sasabihin mo na hinding-hindi kita sinasalo sa tuwing nahuhulog ka. Oo, naging selfish ako. Naging selfish dahil mahal kita. Pero ano pa nga ba? Tatawanan mo na lang ito hindi ba?
Kasi hindi na tayo. At mahal na mahal mo na siya. &nbsp; Bakit pa kasi, kung kelan pa na nagsisimula na akong magmove on e anjan na naman ang isyu tungkol jan. Unti-unti na naman akong uulit sa simula. Unti-unti ko na namang gagamutin ang matagal nang sugat na nakalaan saking puso. &nbsp; Uulit akong muli sa simula. Sa pinakasimula. Pero tandaan mo sana, na kahit na wala ka na sakin puso at isipan, alam ko na may konting parte ka pa rin sa buhay ko na mahal na mahal pa rin kita.
&nbsp; Kung binabasa mo ang sulat na ito. Nasa sa iyo na un kung iintindihin o hindi papansinin ito. Sana lang ay maging magkaibigan pa rin tayo. 
